-- Advertisements --

Naghain ng kaso sa Los Angeles Superior Court si Scarlett Johansson labat sa streaming service na Disney Plus.

Ito ay dahil sabay na ipinalabas sa sinehan at sa nasabing streaming service ang kaniyang pelikulang “Black Widow”.

Ayon sa actress na sinira ng kumpanya ang kasunduan nila.

Pumayag kasi ito na ang kaniyang sahod sa pelikula ay base sa kikitain nito sa sinehan lamang.

Nakasaad pa kasi sa kontrata na magkakaroon lamang ng theatrical release na ito ay
eksklusibo lamang na ipapalabas sa mga sinehan.

Makailang beses na naantala ang pagpapalabas ng pelikula dahil sa COVID-19 pandemic na ang orihinal na release date nito sana ay noon pang Mayo 2020.