-- Advertisements --

Ngayon pa lamang ipinagyabang na ng bagong miyembro ng Brooklyn Nets na si Ben Simmons na dapat katakutan ang pagsasama nila ng pwersa ng dalawa pang bigating players ng koponan.

Tinawag pa ni Simmons na “scary team” ang Brooklyn kung sakaling sabay-sabay na silang maglalaro sa court ng mga superstars na sina Kevin Durant at Kyrie Irving.

Kung maalala kabilang si Simmons, Seth Curry at Andre Drummond sa nakuha ng Brooklyn matapos pakawalan nila ang isa pa sa superstar na si James Harden.

ben simmons brooklyn

Nitong araw pormal na ring ipinakilala ng Nets si Simmons na kabilang sa bagong mukha ng team.

Gayunman posibleng sa ikalawang linggo pa ng buwan ng Marso maglalaro si Simmons dahil sa aasikasuhin pa nito ang puspusang pagpapakondisyon.

Inabot din ng anim na buwan ang Australian player na hindi nakalaro sa Philadelphia Sixers dahil sa maraming iskandalo kasama na umano ang mental issues.