-- Advertisements --

Inilabas na ng Korte Suprema (SC) ang schedule ng 2024 Bar examination.

Ang nasabing mga pagsusulit ay naka-takda para sa araw ng Setyembre 8 at 15, parehong araw ng Linggo, habang ang Setyembre 11 ay nakatakda sa araw ng Miyerkules.

Si Supreme Court Associate Justice Mario Lopez ay magsisilbing chairman para sa 2024 SC-mandated examinations.

Ang mga sumusunod ay ang araw para sa mga Bar subjects:

September 8
Political and Public International Law
Commercial and Taxation Laws

September 11
Civil Laws
Labor Law and Social Legislation

September 15
Criminal Law
Remedial Law
Legal and Judicial Ethics with Practical Exercises

Sa panahon ng 2023 Bar examinations, kabuuang 3,891 sa 10,791 examinees ang pumasa, na nagbunga ng passing rate na 36.77%.