Ilalagay sa half staff ang watawat ng Pilipinas sa Senado para sa flag raising ceremony ngayong araw, bilang simbolo ng pagluluksa dahil sa pagpanaw ng isa sa mga naging pinuno ng mataas na kapulungan ng Kongreso.
Magtatakda rin ng necrological service sa Senate hall sa darating na Miyerkules, Oktubre 23, 2019 para ibigay ang pagpupugay ng mga kasamahang mambabatas at malalapit na kaibigan noong siya ay nasa panunungkulan pa sa gobyerno.
Si Pimentel ay namayapa kahapon sa ospital at inilagak ang labi simula kagabi sa Heritage Memorial Park sa Taguig City, kung saan ito mananatili hanggang sa araw ng Martes.
Dadalhin naman ang labi ng dating Senate president sa Cagayan de Oro City simula sa hapon ng Miyerkules, hanggang sa umaga ng Biyernes, bago ang interment sa pagbabalik nito sa Metro Manila.
Isa sa mga unang dumalaw kagabi sa pagsisimula ng lamay ay si Senate President Vicente “Tito” Sotto III na dating nakasama at naging majority leader sa pamumuno ni ex-Sen. Pimentel.
Narito ang schedule ng lamay:
October 20 (from 7PM), 21, 22:
Chapels 7 & 8, Heritage Memorial Park, Taguig City
October 23 (morning):
Senate of the Philippines
October 23 (afternoon), 24, 25 (morning):
Cagayan De Oro City Hall
October 25 (afternoon):
Heritage Memorial Park, Taguig City