Pinag-aaralan ngayon ng Department of Education ang posibilidad ng pagpapatupad ng class schedules adjustment sa mga paaralan dahil sa matinding init ng panahon.
Layon ng hakbang na ito na matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral maging ng kanilang mga personnel.
Nagpatupad naman ang ahensya ng mga measures dahil sa mainit na panahon sa ilang lugar sa bansa.
Kabilang na rito ang posibleng adjustment ng mga pasok ng mas maaga o late afternoon para makaiwas sa init.
Ayon kay DepEd Sec. Sonny Angara sa ilang paaralan at lugar ang mga pasok ay ini adjust mula alas 6 ng umaga hanggang alas 10 ng umaga.
Ang pasok naman sa hapon ay sisimulan alas 2 ng hapon hanggang alas 6 ng gabi.
Magsisimula naman alas 10 ng umaga hanggang alas 2 ng hapon ang asynchronous learning sa mga paaralan.