Naglabas na ang Commission on Elections ng schedule ng mga aktibidad, procedure, at regulations para sa gaganaping National and Local Elections sa susunod na taong 2025.
Sa ilalim ng Resolution No. 10999, itinakda ng Comelec En Banc ang election period mula Enero 12, 2025 hanggang Hunyo 11, 2025 habang ipatutupad naman ang gun sa buong bansa sa loob ng 150 araw.
Sa Setyembre 30, 2024 naman itinakda ang huling araw ng voter registration period.
Pagsapit naman ng Oktubre 1, 2024 hanggang Oktubre 8, 2024 bubuksan ang filing of certificates of candidacy kung saan pahihintulutan din ang paghahain ng Certificates of nomination at acceptance of nomination para sa mga party list groups.
Kasunod nito ay magsisimula na rin ang 90 araw na campaign period para sa mga national candidates mula Pebrero 11, 2025 hanggang Mayo 10, 2025.
Habang sa Marso 28, 2025 hanggang Mayo 10, 2025 naman pahihintulutan na mangampanya ang mga local candidates para sa district representation ng House of Representatives.
Samantala, ang voting period naman para sa mga Pilipinong nasa ibang bansa ay gaganapin mula Abril 13, 2025 hanggang Mayo 12, 2025.
Habang ang local absentee voting naman para sa mga miyembro ng kapulisan, kasundaluhan, at media ay gaganapin mula Abril 28, 2025 hanggang Abril 30, 2025.
Magpapatupad naman ng liquor ban sa bisperas ng araw ng halalan sa Mayo 11.
Samantala, bukod sa mga ito ay kabilang din sa mga mahahalagang petsa ay ang mga sumusunod:
• Aug. 31, 2024–Last day of “Register Anywhere” Program
• Sept. 1 to 28, 2024–Period for holding political conventions by parties to select or nominate candidates
• June 11, 2025–Last day for filing statement of contributions and expenditures.