DAVAO CITY – Umabot sa P1.3 million pesos ang iniwang damyos matapos lamonin ng apoy ang F. Bustamante National High School sa may Tibungco, Davao City, pasado alas 5 ng hapon.
Ayon kay Fire Officer 1 Al A Casal sa Panacan Fire Station, nagsimula umano ang sunog sa ikalawang palapag sa abandonadong gusali na ginawang stockroom ng mga ginamit na modules, bangko at iba pang gamit sa paaralan.
Tumagal ng mahigit dalawang oras ang pag apula ng apoy, kung saan pasado alas 7 na ng gabi ng ideklarang fireout ang sunog.
Tinupok ng apoy ang 6 na classrooms sa 300 square meters na building kung saan tinatayang nasa mahigit P1.3 milliom pesos ang natalang damyos sa nasabing sunog.
Ayon sa security guard na naka duty, sinubokan pa nilang apulahin ang apoy gamit ang fire extinguisher pero iilan sa mga ito ang hindi na gumagana.
Kaagad namang inilikas ang mga residente na naninirahan malapit sa paaralan.
Sa ngayon sinisiyasat pa ang kabomberohan ang dahilan ng sunog.