-- Advertisements --

Personal na tinungo ni Education Secretary Sonny Angara ang ilang paaralang nasalanta ng kalamidad sa Camarines Sur.

Partikular na ang mga pampublikong eskwelahan na nalubog sa baha sa kasagsagan ng bagyong Kristine noong Oktubre.

Maliban sa mga silid-aralan at gamit sa loob nito, inalam din ni Sec. Angara ang pangangailangan ng mga guro at mag-aaral, para mabilis itong matugunan.

Nanindigan ang kalihim sa kanilang commitment para sa epektibong pagtugon sa problema at kaakibat dito ang pag-alam sa tunay na mga suliranin.

Nabatid na mismong si Angara ang nanguna sa pagbubukas ng Schools Division Office (SDO) sa Camarines Sur, bago nagtungo sa mga learing facilities sa Minalabac, Gainza, Pili at Bula sa naturang probinsya.