-- Advertisements --

Kinansela ng South Korea ang pagbubukas ng kanilang bagong school year dahil sa banta ng coronavirus.

Sa susunod na buwan na sana ang bagong school year ng bansa subalit tumaas pa lalo ang bilang ng mga nadapuan ng COVID-19 na umaabot na sa 600.

Ayon kay Education Minister Yoo Eun-hae, na ginawa ang desisyon para na rin sa kaligtasan ng mga mag-aaral mula kindergartens, elementary, middle at highschools.

Maantala lamang ang nasabing pagpapalibang ng pagbubukas ng school ng isang linggo.

Dagdag pa nito na kanilang babantayang mabuti ang kalagayan ng nasabing pagkalat ng virus sa kanilang bansa.

Magugunitang nakatakda sana sa Marso 9 ang pagbubukas ng kanilang school year subalit ito ay naantala dahil sa virus.