-- Advertisements --
image 400

Naibenta sa auction sa halagang P150-K ang memorabilia o ang polo shirt na suot ng lead singer ng Parokya ni Eddar na si Chito Miranda

Ang polo shirt na suot ng singer-songwriter ay ginamit pa sa 2005 music hit na “Bagsakan” na talaga namang tumatak at sumikat sa kanilang panahon.

Ayon sa singer, hindi niya inaasahan na maibenta ito ng ganun kalaki at nagulat siya sa sobrang dami ng nag-bid kung kaya hinanap rin umano niya yung slacks at yung cap at isinama rin sa nakabili.

Matatandaan na nagkaroon ng fundraising ang iba’t ibang artist na nagtatampok naman sa mga OPM songs alay para sa sa kaibigan at kapwa artist nilang si Gab.

Nagpasalamat naman ang singer sa lahat ng mga nakisaya sa bidding at balak pa ngang hanapin ang Polo shirt naman ni Kiko na mas kilala bilang si Francis Magalona na kasama rin niya sa hitmaker song na “Bagsakan.