CAUAYAN CITY – Patay na nang matagpaun ang School Principal mula sa Sto. Tomas, Isabela na napaulat na nawawala.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Rufo Figarola hepe ng Sto. Tomas Police Station sinabi niya na unang napaulat na nawawala ang Principal na si Helen Rolan, limamput tatlong taong gulang, may asawa at residente ng Brgy. Barumbong Sto. Tomas, Isabela.
Nagsagawa aniya sila ng imbestigasyon matapos na magtungo sa kanilang himpilan ang kapatid ng biktima at iniulat na nawawala ito.
Nagpaalam naman aniya ito na pupunta siya sa Tumauini, Isabela para magwithdraw dahil plano umano nitong pumunta sa Bambanti.
Nakatawag pa naman aniya ang Principal sa anak nito subalit pagkalipas ng alas-sais ng gabi ay hindi na nila ito matawagan.
Batay naman sa saksi na nakita nila ang sasakyan ng biktima sa Cansan Bagutari Bridge na naka flasher hanggang sa bumaba umano ito sa lumang tulay.
Ipinagtaka naman ng mga saksi kung bakit dumaan sa lumang tulay ang kotse dakong alas nuebe ng gabi dahil bihira at halos hindi na ito dinadaanan ng mga sasakyan hanggang sa pinatay na umano ng Principal ng makina ng sasakyan,.
Inakala din ng mga saksi na nagpapalamig lamang siya sa tulay subalit lingid sa kaalaman nilang nagpatiwakal na pala ito.
Nalaman din sa imbestigasyon ng PNP na may suicidal tendencies na ang biktima noon pang 2022 dahil tinangka na rin nitong uminom umano ng pesticide dahil sa problema sa pamilya subalit naagapan hanggang sa 2023 ay nagkaayos na umano ito at kanyang asawa kaya hindi umano inasahan ng pamilya ang pangyayari.
Habang nagsasagawa ng search and rescue operation katuwang ang MDRRM Delfin ALbano ay nakatanggap sila ng tawag mula sa Enrile Police station kaugnay sa pagkakatagpo ng bangkay ng isang babaeng palutang lutang sa ilog na nasasakupan ng barangay Maddarulug.
Agad silang nagtungo sa Enrile Cagayan kasama ang pamilya matapos na tumugma ang deskripsyon nang natagpuang bangkay.
Sa ngayon ay nakaburol na sa Sto. Tomas, isabela ang labi ng nasawing School Principal.