-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Binawian ng buhay ang isang opisyal ng Department of Education sa pamamaril sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang biktima na si Abdullah Hussain, School Principal ng Dagadas Elementary School sa Brgy Buliok Pikit North Cotabato.

Ayon sa ulat ng pulisya lulan ang biktima sa kanyang motorsiklo patungo sa Dagadas Elementary School ng itoy pagbabarilin ng mga di kilalang suspek gamit ang kalibre.45 na pistola.

Nagtamo ng tama ng bala sa kanyang dibdib at likod ang biktima kung saan agad itong binawian ng buhay.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Pikit PNP sa pamamaril patay sa biktima.