-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Nahuli ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA Region-10), Bukidnon Provincial Office at Damulog Bukidnon Municipal Police Station ang isang public school teacher sa pamamagitan ng buy bust operation na isinagawa sa Purok 2, New Compostela, Damulog, Bukidnon.

Kinilala ang suspek na si Rey Sungahid, kasalukuyang nagtuturo sa Old Damulog National High School.

Nakuha sa kanyang posisyon ang apat na pakete ng pinaniniwalaang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P16,000.

Inihahanda na ang kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na isasampa laban sa nahuling guro.

Dahil sa nangyari, mas lalong pang lumakas ang panawagan ni PDEA-10 regional director Wilkins Villanueva na dapat lang na magkaroon ng radom drug testing sa mga paaralan, hindi lamang sa mga estudyante kundi pati na rin sa mga guro.

Inihayag din ni Villanueva na mayroon silang mga na-monitor sa rehiyon na mga gurong gumagamit at nagbebenta ng iligal na droga ngunit tumanggi na siyang isiwalat kung gaano ito karami.