Nilinaw ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na hindi nila intensyong i-“brand†bilang mga komunista ang mga paaralang kasama sa kanilang inilabas na listahan kung saan aktibong nagre-recruit ng estudyante ang Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA).
Sa isang statement, sinabi ni AFP Spokesman B/Gen. Edgard Arevalo, ang layunin lang nito ay upang itaas ang “awareness†ng mga magulang na nag-aaalala para sa kanilang mga anak na maaring mabiktima ng panloloko ng NPA.
Mayroon na aniyang mga lumapit sa kanila para ireklamo ang mga umano’y “brainwashing†activities ng mga komunista na nagaganap sa mga naturang mga paaralan.
Kabilang sa mga aktibidad na ito ang mga film showing, pakikipag-teleconference sa mga lider ng komunista tulad ni Jose Maria Sison, Martial Law re-enactments kapag breaktime, at iba pang mga aktibidad.
Nais lang aniya ng AFP na pag-ingatan din ng mga school administration at mga magulang ang posibleng “infiltration†ng NPA sa mga paaralang nabanggit.