-- Advertisements --

Naniniwala ang Joint Task Force Covid Shield na hindi dapat magbanggaan ang Science at Religion lalo na sa kampanya laban sa Covid-19.


Ayon kay JTF Covid Shield Commander Lt Gen. Guillermo Eleazar “Nasa Diyos ang Awa, Nasa Tao Ang Gawa.”

Reaksiyon ito ni Eleazar matapos ang panawagan ni Lipa Archbishop Ramon Arguelles sa publiko na huwag nang magsuot ng face mask at manalig na lamang sa pananampalataya sa Panginoon para makaiwas sa COVID-19.

Ayon kay Eleazar, ginagalang niya si Bishop Arguelles bilang isa sa mga mainpluwensyang lider ng simbahang Kataliko sa bansa, pero dapat pa rin umanong alagaan ang sarili para hindi magkasakit.

Sinabi ng heneral siya ay Katoliko at naniniwala sa Diyos bilang “great healer” pero naniniwala rin si Eleazar na may papel ang tao para maprotektahan ang sarili at ito ay nakabsse sa sayantipikong ebidensya.

Dapat maging magkatuwang ang Simbahan at ang Science para malabanan ng bansa ang sakit at para makamit ang “to heal as one” na target ng pamahalaan.