Ginawaran ng $1m prize (£760,000) bilang parangal ang isang science teacher sa Kenya matapos nitong ibigay lahat ng kanyang sweldo upang suportahan ang mahihirap na mag-aaral sa isinagawang seremonya sa Dubai upang kilalanin ang mga ‘exceptional’ na guro sa remote part ng Kenya Rift Valley.
Si Peter Tabichi, myembro ng Franciscan religious oder, ay nanalo ng 2019 Global Teacher Prize.
Ito ay dahil sa pagbibigay niya ng halos 80% ng kanyang sahod upang suportahan ang mga mag-aaral ng Keriko Mixed Day Secondary School sa Pwani Village, Nakuru.
“It’s not all about money,” saad ni Brother Peter.
Layunin umano ng 36-anyos na guro ang magsilbing inspirasyon sa lahat at itaguyod ang dulot ng siyensya, hindi lang sa Kenya pero pati na rin sa buong Africa.
“As a teacher working on the front line I have seen the promise of its young people – their curiosity, talent, their intelligence, their belief. Africa’s young people will no longer be held back by low expectations. Africa will produce scientists, engineers, entrepreneurs whose names will be one day famous in every corner of the world. And girls will be a huge part of this story.” saad ni Tabichi nang tanggapin nito ang nasabing parangal.
Tinalo nito ang halos 10,000 nominado sa 179 na bansa.
Ayon dito, bawat klase ay dapat binubuo lamang ng 35-40 mag-aaral ngunit sa dami ng kanilang estudyante ay umaabot sa 70-80 mag-aaral kada klase.
Dagdag pa nito, dahil sa mahinang internet connection ay kinakailangan niya pang magpunta sa cyber-cafe upang idownload ang kakailangananin niyang resources para sa kanyang science lesson.
Karamihan din umano ng mga estudyante ay kailangang maglakad ng apat na milya o anim na kilometro upang makarating sa paaralan.
Sa kabila nito ay determinado pa rin si Brother Peter na turuan ang mga bata tungkol sa science at palawigin pa ang kanilang kaalaman tungkol dito.
Matagumpay ang kianilang mga estudyante sa iba’t ibang national at international science competitions, kasama na ang award mula sa Royal Society of Chemistry sa UK.