Mistulang nag-aagawan ngayon ang mga eksperto sa iba’t ibang dako ng mundo upang makadiskubre ng epektibong gamot laban sa Wuhan coronavirus.
Kinumpirma ni infectious diseases expert Professor Yuen Kwok-yung mula sa Hong Kong na nakabuo na nga ang mga researchers ng vaccine laban sa 2019-nCoV virus.
Gayunman aminado ito na kailangan pa ang sapat na panahon upang ma-testing ang bagong gamot.
Ang mga researchers sa HKU ang siya ring nakaimbento noon ng nasal spray influenza vaccine.
Ayon sa professor naka-produce na sila ng vaccine pero mahalagang magkaroon pa ng panahon para i-test ito sa piling mga hayop.
Maging ang mga scientists sa mainland China ay halos wala na rin daw tulugan sa pag-develope ng gamot laban sa deadly virus.
Sa Shanghai, China ang Shanghai East Hospital ng Tongji University ay nagmamadali rin sa pag-apruba ng proyekto sa development ng vaccine.
Ayon sa CEO ng kompaniya na si Li Hangwen kailangan daw nila ng 40 araw bago makapag-manufacture ng vaccine samples at pagkatapos ay isasailalim sa tests at susunod na sa mga clinics.
Sinasabing may research team din sa Australia ang nagkaroon ng breakthrough para maihiwalay ang coronavirus sample sa isang pasyente na mahalaga para makatulong sa mga international laboratories.
Ang mga eksperto rin sa United States ay nagkukumahog para sa vaccine development laban sa new coronavirus na pumatay na sa mahigit 100 katao at mahigit 6,000 nagkasakit na karamihan ay mula sa China at sa 17 pang mga bansa.