Nanawagan ngayon ang maraming grupo ng mga eksperto at scientists sa iba’t ibang dako ng mundo na sana kumpirmahin na ng World Health Organization (WHO) na ang coronavirus ay pwede ring lumutang sa hangin.
Anila, ang ganitong teorya ay dahilan din daw nang pagkahawa ng maraming tao sa ganiton paraan.
Kung maalala batay sa pananaw ng WHO ang COVID-19 daw ay nata-transmit sa pamamagitan ng pagbahing ng isang infected na tao at masinghot naman ng iba o kaya dumikit ito sa mga bagay at nakakahawa kung ang kamay na inihawak ay mailalagay sa bibig, mata at ilong.
Ang group of experts na binubuo ng 230 scientists at nakatakdang ilathala ngayong araw ang kanilang open letter sa pamamagitan ng journal na Clinical Infectious Diseases.
Sinabi ni Donald Milton sa CNN interview, isang professor ng environmental health sa University of Maryland at pinag-aralan ang mga viruses kung paano mag- transmit, noong buwan pa raw ng Pebrero ang ganitong teorya na pwedeng maging airborne ang deadly virus.
Ang naturang posisyon ay sinusugan din naman ni Lidia Morawska, professor ng environmental engineering at expert sa aerosol science sa Queensland University of Technology in Brisbane, Australia.
Umaasa sila na hindi lamang ang WHO kundi ang iba pang health agencies ay kilalanin ang kanilang pagsusuri na pwede ring maging airborne ang transmission ng coronavirus.