-- Advertisements --
Nakatakdang gumamit ng social media platforms ang Supreme Court para ipakita sa publiko ang mga kaganapan at aktibidad ng mga Magistrado na may kinalaman sa kanilang trabaho at tungkulin.
Ito ang kinumpirma ni Supreme Court Communications Bureau Chief Atty. Mike Navallo sa mga kawani ng media ngayong araw.
Ayon kay Navallo, gagamit sila ng mga sikat na social media network sa pagpapatupad at pagpapalabas ng mga bertikal at horizontal videos.
Nakatakda rin ilunsad ng Korte Suprema ang kanilang #SCphReels ayon kay Navallo.
Ito ay naglalayong ipakita sa publiko ang mga short videos kabilang na ang mga speeches at public engagement ng mga Mahistrado ng Korte Suprema.