-- Advertisements --

Hindi itinuturing ng mga kapulisan sa Scotland na isang uri ng terorismo ang naganap na pananaksak ng isang lalaki na ikinasawi ng tatlong katao sa labas ng Park Inn sa West Georgia Street, Glasgow.

Kabilang sa nasaksak ay isang pulis habang ang suspek na responsable ay nabaril at napatay na rin ng mga rumespondeng pulis,
Sinabi ni Assistant Chief Constable Steve Johnson, nasa pagamutan pa ang anim na nasaksak kabilang ang isang pulis subalit sila ay ligtas na.

Pinayuhan din naman nito ang mga tao na maging mapagmatyag at iwasan na rin ang pagpapakalat ng mga negatibong balita sa nangyari.

Nananatili pa rin ang mga kapulisan sa lugar kaya pinayuhan na rin nila ang mga residente na maging vigilante.

Nagpaabot naman ng pagkabahala at pakikiramay sa mga pamilya ng nasawing biktima si British Prime Minister Boris Johnson at tiniyak niya na hindi na mangyayari pa ang nasaing insidente