Nakatakdang pumirma ng $270 million na kontrata ang bagitong guard ng Toronto Raptors na si Scottie Barnes.
Kapalit nito ay ang extension niya ng limang taon sa Raptors.
Noong nakalipas na season, si Barnes ay nakapasok sa NBA All-Star bilang kapalit ni Philadelphia 76ers center Joel Embiid na hindi pinayagang makapaglaro dahil sa kanyang injury.
Hawak niya noon ang average na 19.9ppg, 8.2rpg, 6.1apg, at 1.3 steals per game. Sa naturang season ay nagagawa niyang magpasok ng 47.5% overall shooting percentage, at 34.1% sa 3-pt line.
Noong 2020-2021 season ay napanalunan ni Barnes ang Rookie of the Year award.
Sa susunod na season, posibleng magsisilbing sentro ng Raptors team ang bagitong si Barnes, kasabay ng inaasahang pagpapalakas ng koponan ngayong offseason.