-- Advertisements --

Nakaganti ang Barangay Ginebra laban sa Blackwater 112-98 sa nagpapatuloy na PBA 49th Season ng Governor’s Cup.

Bumandera sa laban si Scottie Thompson na nagtala ng triple doubles na 21 points, 10 rebounds at 11 assists.

Habang mayroong 20 points, siyam na rebounds si Justin Brownlee at 15 points si RJ Abarrientos.

Mayroon ding 14 points, pitong rebounds at limang assists si Stephen Holt habang 14 points si Japeth Aguilar.

Umabot pa sa 19 points ang kalamangan ng Ginebra 105-86.