-- Advertisements --
Sumama na sa ensayo ng Gilas Pilipinas si PBA Most Valuable Player Scottie Thompson.
Sinabi ni Gilas assistant coach Tim Cone na walang anumang problema sa kaniyang injury sa kamay dahil sa lumahok na ito sa buong ensayo ng Gilas bilang paghahanda sa FIBA Basketball World Cup sa Agosto 25.
Nauna rito ay hindi nakasama si Thompson sa pocket tournament ng Gilas sa China dahil sa kaniyang tinamong injury.
Naniniwala naman si Cone na tuluyan ng gumaling si Thompson kung saan inaasahan nila na makakasama siya sa tune-up games sa susunod na linggo laban sa Montenegro at Mexico.