-- Advertisements --
Scottie Thompson
Scottie Thompson/ FB image

Umatras na paglalaro sa Gilas Pilipinas si Scottie Thompson para sa pagsabak sa FIBA World Cup na gaganapin sa China sa buwan ng Agosto.

Ito mismo ang ibinunyag ni Gilas coach Yeng Guaio ng personal siyang kinausap ng dating NCAA Most Valuable Player.

Ayon kay Guiao, inamin ni Thompson na hindi pa siya handa para maglaro sa mga international games.

Naniniwala pa ito na marami pang mga ibang manlalaro na nararapat na pumalit sa kaniyang puwesto kaya ipapaubaya na lamang niya ito sa iba.

Hinangaan naman ni Guiao ang pagiging totoo ni Thompson para agad na silang makahanap ng kapalit nito.

Si Thompson na ang pangatlong manlalaro na umatras na makibahagi sa Gilas Pilipinas para sa FIBA World Cup na ang una ay sina Jayson Castro at Ray Parks.