-- Advertisements --
Pumanaw na ang Scottish singer na si Les McKeown sa edad 65.
Hindi naman binanggit ng mga kaanak nito ang sanhi ng kamatayan nito.
Sumikat si McKeown noong 1970 ng maging lead vocalists ng tartan-garbed pop titans na Bay City Rollers.
Pinasikat ng bandang Bay City Rollers ang mga kantang “Shang-A-Lang,” “Bye, Bye, Baby” at “Give a Little Love”.
Noong Setyembre 2020 ay pumanaw na rin ang isa sa miyembro ng banda na si Ian Mitchell sa edad na 62.