-- Advertisements --
cropped CAMP CRAME PNP POLICEMENT FLAG DAY

Natapos na ng binuong 5-man advisory group ang kanilang isinasagawang screening sa mga courtesy resignation ng matataas na opisyal ng Philippine National Police.

Ito ang iniulat ni PNP chief PGen Rodolfo Azurin Jr. dalawang araw bago ang kaniyang opisyal na pagreretiro bilang hepe ng Pambansang Pulisya.

Ayon kay Azurin, sa huling pagpupulong nila kahapon ng iba pang miyembro ng 5-man committee ay natapos na nila ang kanilang evaluation ng mga courtesy resignation ng mga koronel at heneral ng PNP.

Sa datos, nasa 917 mula sa kabuuang 953 na mga police officials na ang cleared sa koneksyon ng ilegal na drioga.

Ngunit sa kabila nito ay wala pa ring resultang inilalabas ang PNP hinggil sa imbestigasyong ito.

Matatandaang una nang ipinaliwanag ni Azurin ang na isusumite pa ng naturang komite ang kanilang report sa Interior Secretary Benjamin Abalos Jr. na chairman ng National Police Commission para magsagawa pa ng bukod na imbestigasyon dito atsaka ito ieendorso kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para naman sa pagdedesisyon kung kanilang resignation ang tatanggapin.