CAUAYAN CITY- Inaasahang matutuloy na ang pagsasagawa ng face to face classes sa 5 paaralan at karagdagang 20 paaralan matapos isailalim na ang Isabela sa alert level 2 simula bukas hanggang katapusan ng Pebrero
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Dr. Alfredo Gumaru Jr. Schools Division Supt. ng SDO Cauayan City na ngayong nakasailalim na sa Alert Level 2 ay matutuloy na ang pagsasagawa ng face to face classes sa limang paaralan at maari pang madagdagan ng 22 paaralan.
Sa ngayon anya ay nakikipag-ugnayan na sila sa mga school heads at mga barangay sa limang paaralan na unang inaprubahan na pagsagawaan ng face to face classes.
Matapos anyang kumuha ng clearance sa mga opisyal ng barangay at City Officials maging ng pagpayag ng mga magulang ay itutuloy na ang pagsasagawa ng face to face classes.
Kapag makita rin ang kahandaan ng karagdagang mahigit dalawampong paaralan ay irerekomenda ng SDO Cauayan City ang face to face classes.
Excited na rin ang mga mag-aaral na pumasok kayat kinakailangang matuloy na.
Kinakailangan anya nilang sundin ang 15 hanggang 20 mag-aaral na sabay sabay na magka-klase sa bawat silid aralan.