-- Advertisements --

Tiniyak ni Senior Deputy Speaker at Pampanga Representative Aurelio “Dong” Gonzales na hindi nito hahayaan magtagumpay ang mga banyagang entity na mayroong malisyong intensiyon at nagbabanta sa kaligtasan at seguridad ng mga Pampangueno.

Nagbabala naman si Gonzales sa mga nagbabanta sa kaligtasan at seguridad ng kaniyang mga kababayan na kailanman hindi sila magtatagumpay.

Ayon sa house leader kanilang ipagpapatuloy ang magkasanib na imbestigasyon upang makamit ang hustisya, manaig ang rule of law at maproteksiyunan ang karapatang pantao.

Sinabi ni Gonzales ang Quadcomm meeting ay testamento ng bawat hose members na labanan ang nasabing iligal na aktibidad.

Aniya hindi niya papayagan na kumalat pa ito sa kalapit bayan at probinsiya na nagbibigay dungis sa dangal ng bansa.