Inaasahang muling mauungkat ang isyu ng South China Sea sa 35th ASEAN Summit sa Bangkok, Thailand na dadaluhan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Si Duterte ay aalis sa Nobyembre 1 at babalik ng bansa sa Nobyembre 4.
Sinabi ni DFA Asec. Juniver Mahilum-West, hindi maiiwasang mapag-usaapan partikular ang Code of Conduct of Parties in the South China Sea sa gagawing ASEAN-China meeting.
Ayon kay Asec. Mahilum-West, dahil sa mga developments lalo sa West Philippine Sea, hindi malayong isusulong ni Pangulong Duterte ang code of conduct na matagal ng pinag-uusapan.
Samantala, ilang ASEAN leaders at dialogue partners ang gusto umanong maka-bilateral meeting si Pangulong Duterte at isinasapinal pa.
Makakasama ni Pangulong Duterte sa biyahe si Honeylet Avanceña dahil may dadaluhan din itong espouses event sa ASEAN Summit.