Ipinagmalaki ng Malacañang na naging produktibo ang bilateral meeting nina Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jinping.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, inungkat ni Pangulong Duterte sa kanilang meeting Xi ang isyu ng West Philippine Sea partikular ang presensya ng Chinese militia vessels sa Pag-asa Island.
Ayon kay Sec. Panelo, nagkasundo umano ang dalawang lider na mapangasiwaan ang sitwasyon sa pamamagitan ng mekanismo ng bilateral negotiations at hindi dapat makaapekto sa kooperasyon ng Pilipinas at China sa aspetong kapwa may interes ang dalawang bansa.
Binigyang-diin umano ni Xi ang kahalagahan ng magandang relasyon ng magkapitbahay at tamang pangangasiwa sa hidwaan ng dalawang bansa.
Tinukoy umano ni President Xi ang Memorandum of Understanding on Oil and Gas kung saan isinantabi ng Pilipinas at China ang hidwaan para sa joint exploration na pakikinabangan ng dalawang bansa at kanilang mamamayan.
“In the course of the bilateral meeting, President Rodrigo Roa Duterte raised the issue of the West Philippine Sea, particularly the situation in Pag-Asa Island. Both agree that the situation can be managed by the mechanism of bilateral negotiations but it should not affect the cooperation being undertaken by both the Philippines and China and they look forward to a productive discussion on matters of mutual concern and interests,” ani Pangulong Duterte.