Patuloy na namamayagpag ang mga atleta ng Arnis sa ginaganap na patimpalak sa Angeles University Foundation (AUF) sa Clarck City, Pampanga.
Kanina ay naibulsa ng Philippine National Arnis Team ang ika-12 gintong medalya ng Pilipinas.
Pinayuko ni Jesfer Huquire ang kaniyang kalaban na si Nay Lin Oo mula Cambodia para sa Arnis paddlestick bantamweight division.
Hindi naman nakabawi mula sa sunod sunod na puntos ang pambato rin ng Cambodia na si Chun Ssok matapos itong paulanan ng palo ni Elmer Manlapas ng Pilipinas para naman sa Featherweight division.
Huling nasungkit ng atletang si Carloyd Tejada ang ikatlong ginto ng Pilipinas para sa welterweght division kontra Myanmar.
Nagwagi rin sa women’s paddlestick competition sina Jedah Mae Soriano (featherweight division), Sheena Del Monte (bantamweight), Ross Ashley Monville (lightweight) at Abigail Abad (welterweight).
Nakapagbulsa na ang koponan ng 12 gold medals para sa ikalawang araw ng 30th Southeast Asian (SEA) Games.