Binalewala lamang ni Senator Risa Hontiveros ang naging hamon ni Taguig-Pateros Representatibe Alan Peter Cayetano na magbitiw ito sa pwesto sa oras na mabigo ang Senado na hanapin ang umano’y anomalya sa pagpapatayo ng sports facilities na ginamit noong 2019 Southeas Asian Games.
Ayon kay Hontiveros, nais lamang nitong subukan ang inter-parliamentary courtesy sa pagitan ng dalawang Senado at Kamara. Sa bawat opisina aniya ay ginagawang requirement ang liquidation ng mga nagastos ngunit kailanman ay hindi kinailangan na mag-resign kung tama naman ang liquidation.
May kaugnayan ito sa ipinatawag na imbestigasyon ni Hontiveros sa senado dahil sa di-uman’y pekeng kasaunduan sa pagitan ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA) at Malaysian firm na MTD Capital Berhad.
Naniniwala umano ang senador na ang naturang proyekto ay ginawa sa pamamagitan ng pag-utang ng MTD mula sa Development Bank of the Philippines (DBM) isang buwan matapos ang naging kasunduan sa pagitan ng BCDA at nasabing Malaysian firm
Dahil dito ay hinamon ni Cayetano si Hontiveros na mag-resign sa oras na hindi nito mapatunayan ang mga alegasyong ibinabato sa kaniya. Si Cayetano ay nagsisilbing chairperson ng Philippines Southeast Asian Games Organizing Committee.