BACOLOD CITY – Advantage umano ang pagiging magkasintahan at partner sa danceports, dahilan kung bakit humakot ng kabuoang 10 gold medals sa SEA GAMES 2019 ang apat na pares .
Sa exclusive interview ng Star FM Bacolod kay Sean Aranar, sinabi niyang hindi pa sila makapaniwala ng dance at love partner na si Anna Nualla sa napakaraming nanood at sumuporta sa kanila kahapon kaya tudo bigay sila sa kanilang performances sa kabila ng walang pahinga.
Kung kaya nai-uwi nila ang 3 gold medals mula sa Open standard, Tango at Viennese Waltz.
” Ang pinaka struggle lang namin is nasaktohan na nagkaroon kami ng jet lag before competition pero kahapon yong partner ko 2 hrs lang yong tulog before kami mag complete pero we made sure na wala kaming excuse pagsabak namin sa dance floor.” pahayag ni Aranar
Binahagi din ni Joy Renigen sa Star FM Bacolod na gayon palang umano nila ramdam na gold medalists pala talaga sila ng kanyang kasintahan at dance partner din na si Mark Gayon matapos nanalo naman ng 2 gold medals sa Waltz, Foxtrot at 1 silver sa Quickstep.
”Medyo ngayon palang po namin nararamdaman yong flattering feeling na gold medalists kami. Kasi kahapon yong puyat at pagod po namin parang nauna eh bago doon sa feeling na amazing eh. Sa mga kababayang sumoporta, nagsisigawan po sila, sa lahat po ng scores na lumabas talagang mas kabado pa po sila para sa amin. Talagang na share po nila sa amin yong moment na kami lang po dapat ang nakakaramdam pag nasa labas kami ng bansa at nag ko-compete”. Saad naman ni Renigen.
Nagpapasalamat din sila sa all out na suporta na binigay ng mga kababayang Pinoy.
Kung maalala, nakakuha din ng 2 gold medals si Angelo Marquez at Steph Sabalo sa Latin 5 dance at Paso doble at 1 Silver sa Jive. 3 gold medals naman sa Samba, Chacha at Rumba ang nakuha nina Wilbert Aunzo at Pearl Caneda.