-- Advertisements --

DAGUPAN CITY – Mayroon nang advance party ang dumating ngayon sa Subic para makapag-ensayo sa nalalapit na pagbubukas ng 30th Southeast Asian (SEA) Games na mag-uumpisa sa Nobyembre 30.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay P/Lt. Col. Avelina De Guzman, deputy city director for operations ng Olongapo PNP, sinabi nito na nasa Subic na ang Philippine delegation ng Sepak Takraw at bukas ay inaasahan na rin ang pagdating ng ilang foreign athlete and delegates sa lugar.

Karamihan din aniya sa mga athleta ay darating ng Nobyembre 25 hanggang 26.

Inaasahan na 1,700 atleta rin ang darating sa Subic cluster pa lamang para sa prestihiyosong sports competition.

Bukod sa pagdating ng mga atleta at delegado ay pinaghahandaan din nila ang mga local at foreign media na magko-cover ng mga sporting events sa Subic.