Nagpaabot ng dasal si Vice Pres. Leni Robredo para sa mga Pilipinong atleta na magma-martsa ngayong gabi sa opening ceremony ng 2019 Southeast Asian (SEA) Games.
Sa kanyan online post nagpaabot ng kanyang pasasalamat ang bise presidente sa mga atleta na nagsusumikap para ipamalas ang talentong Pinoy sa buong mundo.
Kinilala rin ni Robredo ang tapang, determinsasyon at husay ng mga Pinoy sa larangan ng palakasan.
“Sending my prayers and well-wishes to our athletes who are representing us at #SEAGames2019! Maraming salamat sa pagsisikap na ipakita ang tapang, determinasyon, at husay ng Pinoy sa ating rehiyon at sa buong mundo. Kasama niyo ang buong sambayanan sa labang ito,” ani Robredo.
Sending my prayers and well-wishes to our athletes who are representing us at #SEAGames2019! Maraming salamat sa pagsisikap na ipakita ang tapang, determinasyon, at husay ng Pinoy sa ating rehiyon at sa buong mundo. Kasama niyo ang buong sambayanan sa labang ito💛🇵ðŸ‡
— Leni Robredo (@lenirobredo) November 30, 2019
Una ng dumistansya ang pangalawang pangulo sa mga kontrobersyang ibinabato sa SEA Games dahil naniniwala itong hindi issue ang dapat na pinagutuunan ng pansin ngayon, kundi ang pagbibigay suporta sa mga atletang Pilipino.