-- Advertisements --

Lumasap na ng pagkabigo ang Gilas Pilipinas makaraang magapi sila ng San Miguel Alab Pilipinas, 89-93, sa isang tune-up game sa Meralco Gym nitong Lunes.

Maaalalang dinomina ng Nationals ang Alab noong nakaraang linggo ngunit nag-iba ang ihip ngayon ng hangin para ipatikim sa Gilas ang pagkatalo na bahagi ng kanilang paghahanda para sa 30th Southeast Asian Games.

Nagrehistro ng kombinasyon na 46 points ang mga Alab imports na sina Nick King, Adrian Forbes, at Khaliff Wyatt.

“They are very good, tall, athletic, strong team. I don’t want to make excuses but I thought we played a little tired tonight. I didn’t think we had the true energy that we had the last game,” wika ni Gilas coach Tim Cone.

Ilang linggo bago ang SEA Games, tatapusin ng Pinoy cagers ang serye ng kanilang mga tune-up match sa isang laro kontra sa Taiwan team sa susunod na linggo.

Namayani naman sa hanay ng Gilas sina Roger Pogoy na pumoste ng 14 points, habang may tig-12 marka naman sina June Mar Fajardo at Japeth Aguilar.

Narito ang mga iskor:

Alab Pilipinas 93 – King 23, Forbes 16, Heading 15, Grey 12, Wyatt 7, Rosser 7, Brickman 4, Vigil 4.

Gilas Pilipinas 89 – Pogoy 14, Fajardo 12, Aguilar 12, Wright 11, Standhardinger 10, Manuel 8, Lassiter 7, Tenorio 7, Pringle 2, Ross 2, Ravena 2, Thompson 2.