-- Advertisements --

Magsasagawa ng fundraising activities para sa mga health workers sina Southeast Asian (SEA) Games 2019 gold medalist Agatha Wong at Jamie Lim.

Sa kanilang mga social media account, isasagawa ng wushu champion na si Wong at karatestang si Lim ang pag-live para sagutin ang mga katanungan tuwing Miyerkules at Sabado simula Abril 22.

Ilan sa mga tatalakayin ng mga ito ay tungkol sa wellness, health at sports.

Bibigyan din nila ng konting kaalaman ang kanilang mga followers sa kanilang mga sports.

Mapupunta ang mga malilikom na pera sa mga frontliners ng Philippine General Hospital (PGH) at ilang mga health facilities.