Buo umano ang suporta ng MalacaƱang sa Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC), Philippine Sports Commission (PSC) at Philippine Olympic Committee (POC), sa hosting ng nalalapit na 38th Southeast Asian Games sa darating na Nobyembre.
Kasabay nito, hinamon ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang mga indibidwal o grupo na umano’y puro ingay lang ang ginagawa sa hosting ng Pilipinas sa SEA Games pero wala namang naitulong sa sektor ng sports sa bansa.
Sinabi ni Sec. Medialdea, pagkakaisa ang kailangan at hindi puro batikos lang imbes na tumulong sana para mapabuti ang hosting ng Pilipinas sa SEA Games.
Hindi naman pinangalanan ni Sec. Medialdea kung sino ang pinatatamaan nito pero may lumabas na artikulo si Special Envoy to China Ramon Tulfo kaugnay sa umano’y overpriced na biniling gamit ng mga atletang kalahok sa SEA Games.
Ayon kay Sec. Medialdea, dapat sports lang at kung may pagkakaibang namamagitan sa mga kinauukulan, dapat itong isantabi ngayon, mag-move forward ang bawat isa at matiyak na mangingibabaw ang camaraderie o magandang samahan sa lahat ng stakeholders.
Ipinaabot naman ni Sec. Medialdea ang 100 porsiyentong suporta ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Philippine sports at sa hosting ng bansa sa SEA Games sa taong ito.