CAGAYAN DE ORO CITY – Tututukan ng reigning Southeast Asian (SEA) Games ‘marathon queen’ gold medalist Christine Hallasgo ang gagawing paghahanda para sa nakatakdang pagsali nito sa qualifying match para sa 2020 Olympics na isagawa sa Tokyo,Japan.
Ito ay matapos nakamit ni Hallasgo ang sobra-sobra na achievement nang makuha ang medalyang ginto sa pamamagitan ng 42 kilometer race ng women category ng athletics sa 2019 SEA Games sa Tarlac kahapon ng umaga.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Hallasgo na siya ang naatasan na kakatawan sa Pilipinas sa qualifying marathon match na ilulunsad sa Tokyo City sa Marso 2020.
Inihayag ni Hallasgo na pagkatapos ng mahigit isang linggo na 2019 SEA Games ay agad na sila maghahanda para sa lalahukan na qualifying match lalo pa’t mas inaasahan na titindi ang kompetisyon dahil sa maraming bansa ang intresado para rito.
Si Hallasgo na laking Malaybalay City, Bukidnon mula magsasakang mga magulang ay bata pang nagsisimulang tumakbo at sumali sa malakihang fun run hanggang nag-level up sa marathon na daan para ikakatawan ang Pilipinas kasama si Olympian Mary Joy Tabal na nauungusan niya sa kanilang sinalihan kahapon ng umaga.