-- Advertisements --
Photo courtesy of PNA

Determinado umano ang Philippine South East Asian Games Organizing Committee (Phisgoc) na gawing matagumpay ang hosting ng bansa ng 2019 Southeast Asian (SEA) Games.

Tugon ito ng Phisgoc kasunod ng mga naglulutangang ulat na posible raw umurong ang bansa sa kanilang hosting rights dahil sa ilang mga problema gaya ng kakulangan ng pondo.

Sa pahayag ng Phisgoc, tiniyak nilang puspusan ngayon ang lahat ng preparasyon para sa naturang regional sports meet na mag-uumpisa sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

Bagama’t aminado rin ang Phisgoc na malaking hamon ang hindi pa pagkakapasa ng 2019 national budget at ang umano’y ilang mga indibidwal na sinusubukang isabotahe ang preparasyon, wala raw makapipigil sa bansa sa pag-host ng SEA Games.

“Despite the budget cuts and various challenges confronting the Philippine hosting of the 30th SEA games, we are unfazed and determined to make this successful. We are determined to pursue our task and responsibility which was given to us by President Rodrigo Duterte last year. We know that the budget limitation is a major factor. But our strong will to mount the best SEA games in history for the sake of our athletes and the Filipino people is bigger than any other problem confronting us today,” saad ng Phisgoc.

Inilatag na rin aniya ng lupon ang “groundwork” para sa ikatatagumpay ng SEA Games at patuloy rin daw ang konstruksyon ng New Clark City Sports Complex sa Tarlac na inaasahang matatapos sa Setyembre.

“For now, we appeal to the sports officials and stakeholders that we need to continue to prepare as one, work as one so we can win as one. We can resolve all these differences through direct communication and not by disseminating misleading news, insinuations and intrigues which are damaging the reputation of our country and demoralizing our athletes including the entire workforce of the Organizing Committee.

“The hosting of this biennial event is a great opportunity to showcase our people, athletes and the country in general. Let us not waste this chance to make our athletes and the Filipino people proud of our country. To our athletes, pray for us and train well. Through your support, we will make it happen. Let us not play into unseen forces trying to break up this unity, setting us up for failure as a country, and making us a laughing stock of the international sports community,” dagdag nito.

Una rito, sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Philippine Olympic Committee executive council member at Surigao del Sur Rep. Prospero Pichay na sapat pa rin umano ang oras upang maresolba ang isyu sa pambansang pondo.

“Kung magkatotoo ang sinabi ng mga senador na sa August na maaprubahan ang national budget ay talagang magigipit tayo niyan. Palagay ko naman magkakaroon ng solusyon ‘yan if not this month, early next month,” wika ni Pichay.