-- Advertisements --

Tiniyak ni 1-Pacman Rep. Mikee Romero na makakapaglaro pa rin ito sa 30th Southeast Asian Games kahit naaksidente ito sa training ng national polo team sa Argentina.

Ayon kay Romero, tinulungan daw siya ng kanyang physical therapist makaraang mahulog sa sinakyang kabayo, dahilan para hindi ito makalakad nang tuwid sa loob ng dalawang araw.

Kuwento pa ng founding member ng Philippine National Federation of Polo Players, na dumating sa Maynila nitong Miyerkules ng gabi, nangyari ang insidente sa ikawalong araw ng kanilang pagsasanay sa Buenos Aires.

Bagama’t hirap makalakad sa loob ng dalawang araw dahil sa injury, maayos na raw ang kanyang kalagayan.

“Will still play pero not all games…Therapy ako. Xray and MRI ako after SEA Games na. Baka di ako palaruin pa,” wika ni Romero.

Gaganapin ang SEA Games polo competition sa Batangas mula Nobyembre 24.