LA UNION – Umaabot sa 50 resort, hotel and restaurant owners, mula sa bayan ng San Juan, La Union, ang sumailalim sa jalal foods orientation, ilang linggo bago magsimula ang Southeast Asian (SEA) Games.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay tourism operations officer Evangeline Dadat ng Department of Turism Regional Office-1, sinabi nito na mahalaga ang naturang orientation sa mga namamahala ng restaurants upang malaman ng mga ito ang tamang paghahanda sa jalal foods o pagkain ng mga Muslim.
Inaasahan kasi na maraming dayuhan ang manggagaling mula sa anim na Islamic countries ng Timog Silangang Asya ang tutungo sa San Juan upang manood ng surfing competition.
Ayon naman kay Tina Antonio, event organizer ng SEA Games, “very specific” ang mga itinurong paghahanda ng mga jalal foods lalo na’t may mga atleta at delegado rin ng palaro ay mga Muslim.
Samantala, maliban sa mga hotel sa bayan ng San Juan na inaasahang magiging fully booked o punuan sa araw ng SEA Games, ay mga mga kanya-kanya ring paghahanda ang iba pang hotes sa San Fernando City, La Union.