Ipinaalam na umano ng Vietnam Olympics Committee ang kanilang rekomendasyon sa mga bansa na kasama ang Southeast Asian Games (SEAG) na pansamantala muna nila itong ipagpapaliban hanggang sa susunod na taon dahil na rin sa malaking problema dala ng krisis ng COVID-19.
Ang 31st SEA Games edition ay gagawin sana sa November 21 hanggang December 2 ngayong taon.
Sa ulat naman ng state media sa Vietnam, nais daw na isagawa ng gobyerno ang SEA Games sa Hulyo ng susunod na taon.
Ngayong araw ay nagpulong naman ang SEA Games Council na nakabase sa Bangkok, Thailand.
Samantala, naging triple naman ang bilang ng COVID cases ngayon sa Vietnam mula noong nakaraang taon.
Habang ilang member countries din ang patuloy pa ang matinding paglaban sa deadly virus.
Ang Japan naman ay naninindigan pa rin na tuloy ang Tokyo Olympics sa susunod na buwan.