BUTUAN CITY – Temporaryong sinuspende ng Coast Guard Station Surigao del Sur ang biyahe sa lahat ng mga barko at mga sasakyang pandagat na na may ruta sa kanilang area of responsibilities.
Ito’y matapos magpalabas ng weather forecast kaninang alas-tres ng madaling araw ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA kaugnay sa malakas na hanging nakaka-apekto sa nasabing lalawigan dahil sa low ressure area.
Applicable ito sa lahat ng mga sasakyang pandagat na may timbang na 35-gross tonnage pababa at makakabalik lang sa kanilang biyahe kung magiging maganda na ang takbo ng panahon.
Samantala, inabisuhan naman ang lahat ng mga residente sa lalawigan ng Surigao del Norte na gumagamit ng sasakyang pandagat na mag-ingat sa karagatang malapit sa Claver, Surigao del Norte dahil sa gagawing cable burial, proyekto ng Philippine Domestic Submarine Cable System na sinimulan nitong Marso a3 at matatapos sa Disyembre a-30 ngayog taon.
Pinayuhan ang lahat na kung makita ang nasabing operasyon ay mag-iba na lamang ng kanilang dadaanan upang maka-iwas sa aksidente.