-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Nabasag ng isang binatilyo mula Malaysia ang kaniyang dating record sa shot put boys category sa 14th Southeast Asian (SEA) Youth Atlethics Championship sa Ilagan City Sports Complex.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ng 16-anyos na si Jonah Chang Rigan na hindi niya akalain na malalagpasan niya ang kaniyang dating record noong 2016 na 16.74 meters lamang sa kapareho ring laro kung saan naman niya naitala ang 18.03 meters ngayong 2019.

Ito ang unang pagsali ni Rigan sa naturang international sporting events.

Dahil sa panalo, makapag-uuwi ng parangal sa kanilang bansa si Rigan matapos makuha ang gintong medalya.

Pilak na medalya naman ang nasungkit ni Li Jun Long Matthew Lee ng Singapore, at nakuna ni Bandit Singghatungkol ng Thailand ang bronze medal.

Nangunguna pa rin ang Thailand na mayroong 12 golds, five silver at four bronze; pumangalawa ang Vietnam na may six gold, nine silver at seven bronze; sunod ang Malaysia na may four gold, tatlong silver at isang bronze; Indonesia na mayroong tatlong gintong medalya; nasa pang-limang puwesto ang Pilipinas na mayroong two gold, four silver at seven bronze; Timor Leste na may one gold, three silver at one bronze; at Singapore na may one gold, two silver at three bronze.

Samantala, nagpapatuloy ng laro sa iba pang mga event ngayong hapon.