-- Advertisements --
SWIMMING GOLD SEA GAMES

Naging makasaysayan ang pagsungkit ng Pilipinas ng medalyang ginto sa swimming dahil ito ang unang pagkakataon makalipas ang 10 taon.

Winakasan ni James Deiparine ang tagtuyot sa Pilipinas sa swimming competition nang lumangoy ito ng pinakamakabilis sa breaststroke sa oras na 1:01.46 upang talunin sa ga-hibla lamang na ilang segundo ang pambato ng Vietnam na si Than Bao Pham na may oras na 1:01.92.

Nagkasya naman sa bronze si Lionel Khoo Chien Yin ng Singapore.

Ang aquatics events ay ginaganap sa brand new sports complex sa New Clark City in Capas, Tarlac.

Masasabing gold mine ang swimming dahil merong nakalaang 39 gold medals ngayong 30th Southeast Asian Games.