-- Advertisements --
NAGA CITY- Patay ang isang seaman matapos masagasaan sa Brgy. Canda Ilaya, Lopez Quezon.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga mula sa Quezon Police Provincial Office (QPPO), nabatid na habang binabaybay ng L300 Micro Bus Van na minamaneho ni Ruel Diche Bismar,28-anyos ang kahabaan ng Maharlika Highway sa naturang barangay nang mahagip nito ang biktimang si Michael Bryan Noscal Tabuga, 24-anyos na tatawid sana sa kalsada.
Kaugnay nito, nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima na agad namang itinakbo sa ospital ngunit idineklara nang dead on arrival ng mga doktor.
Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa naturang pangyayari.