-- Advertisements --

Interesadong mag-apply bilang bagong head coach ng University of Santo Tomas (UST) si dating PBA import Sean Chambers.

Kasunod ito ng pagbibitiw sa puwesto ni Aldin Ayo dahil sa kinakaharap nitong anomalya sa “Sorsogon bubble”.

Isa lamang ang 55-anyos na si Chambers sa mga nagsumite ng aplikasyon para maging coach ng UST Growling Tigers.

Sinabi nito na matagal na siyang naghahanap ng mga posisyon sa bansa at ang aplikasyon na maging coach sa UST ay napapanahon na.

Noon pang 2017 aniya ay nag-applya na ito sa nasabing posisyon.

Naniniwala ito na kayang bumangon muli at maging kampeonato ang UST.

Magugunitang bukod kay Ayo ay umalis din sa UST si reigning Rookie of the Year Mark Nonoy na sinasabing lilipat umano ito sa De La Salle University.