-- Advertisements --

ILOILO CITY – Tinapos na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang underwater search, rescue and retrieval (SRR) operation Visayan sea malapit sa Sicogon Island sa Carles, Iloilo upang mahanap ang natitirang missing sa lumubog na fishing vessel na St. Peter The Fisherman II.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Commander Edison Diaz, pinuno ng PCG Iloilo, sinabi nito na terminated na ang SRR operation matapos nakita ang isa sa dalawang nawawalang mangingisda.

Ito ay si Julian Dungog, Cook, ng Cadiz City.

Ayon kay Diaz ang missing na lang ay si Manuel Auditor, 3rd engineer, residente ng Cadiz City na nasa upper deck ng hinampas ng subako ang barko.

Napag-alaman na pumalo na sa walo ang patay sa nasabing trahedya.