-- Advertisements --

Patuloy pa rin ang isinasagawang search and rescue operation ng Phil. Coastguard sa nasunog na barkong MV Lite Ferry 16 kaninang madaling araw.

Sa panayam ng Star FM Dipolog kay ni Lt. Junior Grade Cherry Rose Manaay, coastguard head at incident commander, kinompirma nitong nagsimula umano ang sunog sa Engine room ng naturang barko.

Totally fireout na ang barko at ito’y hihilahin patungong Pulauan Port, Dapitan City.

Sa ngayon hindi pa naglabas ng opisyal na pahayag ang kompanya ng barkong nasunog subalit nagbigay naman sila ng hotel accomodation para sa mga survivors na kasalukuyan ngayong nagpapahinga sa GV Hotel sa Dipolog City.

Magsasagawa naman ng stress debriefing para sa mga narescue na pasahero.